Maling Akala
Akala ko totoo na yun pero akala ko lang pala. Umaasa akong ako na ang laman ng puso at isip niya. Ginawa ko naman ang lahat kahit mahirap para sa akin na magmahal muli. Pero ginawa ko maramdaman ko lang na minahal ko siya.
Bago palang si Jacky sa pinapasukan ni Sheena pinakita na niyang magaling siya sa mga subjects lalo na sa math. Si Jacky ay matalino, Moreno, matangkad at basketball player. Una pa lang siyang Makita ni sheena ay na iinis siya dito. Si Sheena ay bagong lipat ng klase. Siya ay masipag, matalino, at may itsura. Kadalasan ay binibiro ni Jacky si Sheena na may gusto siya sa dalaga. Hindi nagtagal ay naging sila pero hindi alam ni Sheena ma sa tuwing magkasama sila ni Jacky ay naiisip nito ang dati niyang syota. Halos magkapareho sila ng ugali. Habang tumatagal ang relasyon ng dalawa ay naging mapusok ang kanilang pagmamahalan. Every monthsary ay sinusorpresa ni Jacky si Sheena. Katulad nalang noong 1st anniversary nila ay binigyan niya ito ng bouquet ng bulaklak. Sobrang saya ni Sheena nun dahil bihira lang siyang makatanggap ng bulaklak. Hindi nagtagal ay tinanong ni Jackykay Sheena kung may minsan bang iniisip ng nobya ang dating kasintahan. Sinabi ni Sheena ni hindi na dahil hindi na ito importante sa kanya. Doon inamin ni Jacky sa nobya na noong tatlong buwan palang sila ay naiisip pa nito ang dating nobya. Nasaktan ng labis si Sheena sa narinig dahil hindi niya lubos maisip na parang ginawa lang siyang panakip butas. Naiinis siya sa kanyang sarili kung bakit hindi man lang niya ito inalam noong bago palang sila. Sinabi ni Jacky na kahit na nga hanggang ngayon hindi parin niya alam kung paano niya iwanan ang nakaraan. Naisip ni Sheena na kahit hanggang ngayon na naging sila na ay bumabagabag sa isip ng nobyo ang dating kasintahan.
Mula noon naging malamig na si Sheena at madalas ng hindi pinapansin si Jacky. Hanggang sa naging malabo na sila at nagkahiwalay. Pagkatapos ay narealize ni Jacky na kasalanan niya kung bakit umabot sila sa ganun ni Sheena. Kung hindi lang sana niya hinayaang matali sa kanyang nakaraaan ay naging masaya sila ni Sheena hanggang ngayon.
Hindi habang buhay itatali ma ang iyong sarili sa nakaraan. Kailangan mo ring mamulat sa katotohanan at matutong humarap kung ano man ang ngayon.
No comments:
Post a Comment