Sunday, 3 March 2019

AURORA ANG UNANG ASWANG

AURORA ANG UNANG ASWANG

May isang bayan na tinatawag na San Rafael. Masaya at walang problema mga tao. Pagsasaka at pagaalaga ng mga hayop ang kanilang hanapbuhay, pero kontento na sila sa kanilang pamumuhay. Isang araw, may mag asawa na nakatira sa isang sulok ng bayan na ang hiniling nila sa panginoon na magkaroon ng isang supling na bata. Sa sobrang tagal na nilang magkasama kahit saan na sila magpunta at kahit sinu sinong manggagamot na sila pumunta para lang magkaanak. Malapit na  mawalan ng pagasa ang babae, pero yung lalaki hindi siya tumigil. Isang umaga unang gumising ang babae ang pangalna niya ay si Aurora, bigla siyang nahilo at nagsusuka. Ginisang niya ang kanyang asawa at agad silang pumunta sa bayan ang nagpa check – up sa doctor dun nila nalaman na isang buwan na pala siyang buntis. Sa sobra saya ng mag asawa, nagpapakain sa lahat ng mga kapitbahay nila. At nangangako sila na lahat ng santos sa simbahan ay dadasalan nila araw- araw.

Lumipas ang ilang buwan, si Aurora ay araw- araw nga nagdasal sa lahat ng santos sa simbahan. Lumipas pa ang ilang buwan at isang buwan nalang ay manganganak na siya. Kinakausap niya ang kanyang anak na sana malusog siyang lumabas sa kanyang sinapupunan at yung asawa naman ni Aurora ay patuloy pa rin sa pangangaso dahil yan rin ang kanyang gawain araw – araw pagkatapos niyang mag bulak. Isang araw pag uwi ni Aurora sa kanyang bahay ay biglang sumakit ang kanyang tiyan dahil sa sobrang pagod napaaga siyang manganak. Dahil sa sobrang layo ng clinic ng bayan. Sa bahay na siya nagkaanak at dali – daling kumuha ng kumadrona ang kanyang asawa pero hindi pa dumating sa bahay ang asawa kasama ang kumadrona. Nanganak na si Aurora pero sa kasamaang palad ay namatay ang anak niya at dun nag umpisa si Aurora na mabaliw. Dahil sa hindi niya matanggap na patay na ang kanyang anak, lahat din ng bata pinapatay niya at kinakain dahil sa ayaw niya na marinig na may batang umiiyak. Dahil sa kanyang ginagawa, nagtago siya sa kagubatan. Iniwan niya ang kanyang asawa at lahat ng mga tao sa bayan hinahanap siya. Sa sobrang mahal ng kanyang asawa si Aurora hinahanap niya ito sa kagubatan. Nang makita ng asawa niya si Aurora, hindi siya nakilala nito dahil sa ang isip ni Aurora ay kalaban siya pero kinausap parin niya si Aurora at lahat ng mga nangyari sa kanya unti – unting naalala ni Aurora at siya ay humingi ng tawad sa asawa niya at sabi ng asawa ay hinding hindi na niya iwanan at pakawalan si Aurora. At don na sila nanirahan sa kagubatan at bumuo ng pamilya ulit ng walang takot ang walang panghuhusga ng tao.

No comments:

Post a Comment