Bakit mahal ko siya? Yan lagi ang nasa isip niya. Hindi naman siya maganda, maingay, matigas ang ulo, halos lahat ng ayaw ko nasa kanya na. Pero bakit unti- unti akong nahulog sa kanya. Ano ba talaga ang meron sa kanya? At paulit- ulit itong bumabalik sa isip niya.
Siya nga pala si Ethan Smith. Isang lalaking tahimik, mahilig sa musika, habulin sa mga chicks pero siya ang ayaw nito at hilig mapag isa. Medyo may kaya din ang pamilya ni Ethan. Ang kanyang ama ay isang electrical contractor at ang kanyang ina ay isang businesswoman. Mayroon silang electric company at medyo malaki ito. Mula nung bata pa ay palagi nalang mag- isa si Ethan. Ang palagi niyang ginagawa ay paggamit ng kanyang gitara hanggang sa nakilala niya si Gale. Si Gale ay isang anak ng OFW, palakaibigan, maganda, maputi, hilig magpatawa kahit corny, at medyo mahina ang utak. Naging classmates sila ni Ethan sa UP at palagi nagpapatulong si Gale kay Ethan dahil sa top student ito. Kahit naiirita si Ethan kay Gale, hindi naman niya ito matanggihan dahil kahit ilang beses itong ipagtabuyan ay hindi natitinag at mas lalo pa siyang kinukulit. Araw – araw parang naging ganon na ang eksena at nasasanay na si Ethan kay Gale hanggang sa naging kaibigan sila. Napapansin na rin ni Ethan sa kanyang sarili na nasisiyahan na rin siya dahil kay Gale. Nagdaan pa ang ilang buwan nilang pagsasama ay parang may narararamdaman na si Ethan at di kalaunan ay nahulog na na ito ng tuluyan sa kanya.
February na at malapit na ang Valentine’s Day, kaya nagpasya si Ethan na sa araw na iyon ay magtatapat na siya kay Gale. Nag ayos si Ethan at nag rehearse sa kanyang sasabihin. Sa araw na yon ay naka polo na long sleeve, naka black na maong at dala ang kanyang gitara. Ang puti pa ng kanyang mukha. Sa araw ng Valentines ay may events na nagaganap sa UP. Maraming tao kaya siksikan talaga. Di na nagatubili si Ethan at pumunta sa classroom na may bitbit na bouquet na may letter. Excited na nanginginig na parang gusto niyang mag back-out pero ang kanyang paa ay may sarili itong pag – iisip at patuloy itong lumalakad sa classroom. Habang unti-unti itong binuksan ang pinto ay nabigla siya sa nakita niya. Si Gale inaabutan ng bouquet ng kanyang classmate at nakangiti pa ito sa kanya. Hindi maipaliwanag ni Ethan ang kanyang nadarama. Parang nadurog ang kanyang puso at sinaksak ito ng paulit-ulit. Sa sobrang sama ng loob ay tinapon niya ang bouquet sa bintana at pumasok ito sa classroom. Nginitian pa ito ni Gale si Ethan at pabirong sinabi na “San ka nangharana ha?” hindi umimik si Ethan na siyang ikinabigla ni Gale. Mula nun ay palagi siyang tahimik hanggang sa matapos ang klase. Dumaan ang ilang araw at ganun pa rin agn kinikilos ni Ethan kaya nagpasya si Gale na imbitahin si Ethan sa bahay nila para mag group study. Pumayag naman si Ethan at pumunta sila sa bahay ng kanilang classmate. Nag usap sila at nag confess sa isa’t isa.
Kinabukasan ay masayang magkasama sina Ethan at Gale. Naging sila at hanggang ngayon ay patuloy pa ang kanilang pagiibigan.
Minsan sa buhay ng tao ay may maraming sorpresa. May mga hindi mo akalain na darating at sa tao pa na ayaw mo. Pero ganyan naman talaga ang buhay kaya go with the flow nalang tayo.
No comments:
Post a Comment