Monday, 4 March 2019

Maling Akala

Maling Akala

Akala ko totoo na yun pero akala ko lang pala. Umaasa akong ako na ang laman ng puso at isip niya. Ginawa ko naman ang lahat kahit mahirap para sa akin na magmahal muli. Pero ginawa ko maramdaman ko lang na minahal ko siya.

Bago palang si Jacky sa pinapasukan ni Sheena pinakita na niyang magaling siya sa mga subjects lalo na sa math. Si Jacky ay matalino, Moreno, matangkad at basketball player. Una pa lang siyang Makita ni sheena ay na iinis siya dito. Si Sheena ay bagong lipat ng klase. Siya ay masipag, matalino, at may itsura. Kadalasan ay binibiro ni Jacky si Sheena na may gusto siya sa dalaga. Hindi nagtagal ay naging sila pero hindi alam ni Sheena ma sa tuwing magkasama sila ni Jacky ay naiisip nito ang dati niyang syota. Halos magkapareho sila ng ugali. Habang tumatagal ang relasyon ng dalawa ay naging mapusok ang kanilang pagmamahalan. Every monthsary ay sinusorpresa ni Jacky si Sheena. Katulad nalang noong 1st anniversary nila ay binigyan niya ito ng bouquet ng bulaklak. Sobrang saya ni Sheena nun dahil bihira lang siyang makatanggap ng bulaklak. Hindi nagtagal ay tinanong ni Jackykay Sheena kung may minsan bang iniisip ng nobya ang dating kasintahan. Sinabi ni Sheena ni hindi na dahil hindi na ito importante sa kanya. Doon inamin ni Jacky sa nobya na noong tatlong buwan palang sila ay naiisip pa nito ang dating nobya. Nasaktan ng labis si Sheena sa narinig dahil hindi niya lubos maisip na parang ginawa lang siyang panakip butas. Naiinis siya sa kanyang sarili kung bakit hindi man lang niya ito inalam noong bago palang sila. Sinabi ni Jacky na kahit na nga hanggang ngayon hindi parin niya alam kung paano niya iwanan ang nakaraan. Naisip ni Sheena na kahit hanggang ngayon na naging sila na ay bumabagabag sa isip ng nobyo ang dating kasintahan.

Mula noon naging malamig na si Sheena at madalas ng hindi pinapansin si Jacky. Hanggang sa naging malabo na sila at nagkahiwalay. Pagkatapos ay narealize ni Jacky na kasalanan niya kung bakit umabot sila sa ganun ni Sheena. Kung hindi lang sana niya hinayaang matali sa kanyang nakaraaan ay naging masaya sila ni Sheena hanggang ngayon.

Hindi habang buhay itatali ma ang iyong sarili sa nakaraan. Kailangan mo ring mamulat sa katotohanan at matutong humarap kung ano man ang ngayon.

I am Angelica Apao and this is my story

My Name is Angelica apao 19 years old. I born on October 4, 1999, I live in zone-10 mamiguis kamelon initao misamis oriental. My Mother’s Name, is Janeth apao, and my Father’s Name, is Ruben apao. Then I have my two sister,
I graduated Kamelon Elementary School on 2013-2014. I started studying in kalacapan National High School in 2014-2016. I completed Junior High School, in iligan City National High School.


Education is a long hard and road but at the end is our dreams and success that’s why we have to strive hard, and be determined to arrive at the end.

Sunday, 3 March 2019

High school life
Nuong unang panahon may dalawang taong nag mamahalan na gusto maabot ang kanilang kaligayahan. Ngunit sa kanilang pag mamahalan ay may hadlang sa kanila.
Silang dalawa ay mag ka klasi sa isang Junior high school. Ang pangalan ay si Seth at Messy. Si Seth ay matangkad matangos ang ilong gwapo at may pag ka suplado. Si Messy naman ay payat maikli ang buhok at maganda.
Una nito ay naging nag kaibigan sila hindi nila alam na pariho pala silang dalawa na may pagtingin sila sa isat isa. Isang araw ay may naganap na orientation sa kanilang classroom. Si Messy ay sinabi niya sa mga classmate nila crush niya  si Seth.at nagulat si Seth kasi di niya inaasahan na sinabi ni Messy sa mga classmate nila.masaya ring nalaman ni Seth kasi crush din pala niya ito hindi lang niya sinabi kasi na hihiya siya. Makalipas ang mga araw lumipat nap ala si Messy sa ibang School. Nagulat si Seth kung bakit di na niya na kikita si Messy sa classroom nila. Hindi pala niya ito nalaman na lumipat napala  si Messy sa ibang School. Dahil hindi ito nakapag paalam lang man sa kaniya. Malungkot si Seth sa  pag alis ni Messy dahil hindi  raw siya naka pagtapat na crush din pala niya ito.
Sa pag lipat ni Messy sa ibang  School nagsimula siya na mag karuon ulit ng bagong kaibigan. At kinalimutan din niya ang crush niyang si Seth. Si Messy ay naninibago sa kaniyang mga classmate dahil felling niya hindi daw niya ito ka level kumpara sa kaniya. Masaya narin si Messy sabago niyang  School at sa mga bago niyang kaibigan.
Hindi inaasahan ni Messy na nag paparamdam sa kaniya si Seth. Dahil matagal na niya itong kinalimutan at bigla na lang nag paparamdam sa kaniya sa social media.
 Sinabi ni Messy, uie Seth himala bakit ka naka pag paramdamsakin may kailangan kaba?
Sabi ni Seth.. ah,, wala na ngungusmusta lang! kung ok ka lang ba sabago mong paaralan.
Messy,ok lang ako masaya naman ditto.
Seth, ahh ganun ba.
Messy, Seth pasinsya kana sa sinabi ko nuon sa nasabi ko na crush kita.
Seth, ahh ok lang yon. Masaya nga ako eh.
Messy, ha! Bakit ka masaya?
Seth, wala lang..
Pero di inaasahan ni Messy na may nobya napala si Seth. Kasi nagulat lang si Messy na nag chat sa kaniya ang nobya ni Seth. Mula nong nalaman ni messy ay hindi na siya nag paparamdam  kay  Seth.
Nagulat narin si Seth kung bakit hindi na nag paparamdam sa kaniya sa Messy.
Isang araw nag chat ulit si Seth kay Messy.
SETH!  Messy bakit parang nag bago kana? Di kana nag paparamdam sakin.
MESSY!   Para saan paba?
SETH!  Bakit may nagawa ba akung mali.
MESSY!  Wag ka nang ulit mag chat saakin ok, baka naman maulit pa na nobya mo pa ang  maka chat ko?
SETH!  Messy sorry nga pala di ko nasabi sayo.
MESSY!  Sorry saan? Ok lang ako no. ayaw kung maka gulo sa inyo.

Mula nuon ay nag kalimuatan na sila. Hindi na sila nag paparamdam sa isat isa. Hanggang nakahanap ng nobyo si Messy. Ang pangalan ay si Josh. Matangkad rin ito  maputi at mabait. Masaya silang nag mamahalan. Tinutulungan si Messy ni Josh sa mga takdang aralin niya at iba pa.nag tagal din ang samahan nila.pero di inaasahan ni Josh mag hihiwalay rin pala sila ni Messy.  Kasi tinatawagan si Messy sa magulang niya. Kasi duon siya ipagpatuloy mag aral ng Senior High School sa dati niyang paaralan. Ayaw sana pumayag ni Josh pero wala siyang magawa dahil napag isipan ng magulang ni Messy. Malungkot silang dawala dahil mag kalayo na ang kanilang landas. Kahit labag  ito sa kaluoban ni Messy nabigla na lang silang mag hihiwalay ng nobyo niyang si Josh.
Makalipas ang buwan ay naka uwi na si Messy sa kanilang lugar. Nag alala siya kasi malungkot sa kaniya na may naiwan siyang mahal  sa buhay.
 Nagsimula na si Messy na mag aral sa dati niyang pinapasukan. Nagulat na lang siya dahil nakita niya si Seth. Pero hindi sila nag papansinan. Iniisip ni Messy wala na akung pag tingin sa kaniya kinalimutan kuna yon matagal na.pero unang kita palang ni Messy ay parang bumalik dati yong pagtingin niya kay Seth. Kapag mag kasalubong sila walang kibuan wala ring pansinan.sabi ni Messy bakit ayaw niya akung pansinin mahiya rin ako. Na mauna pumansin. Lagi na lang silang nakaw tingin.umaabot ng ilang buwan ay masaya si Messy dahill pinapansin na siya ni Seth. Nagging malapit na sila sa isat isa nag kukwentuhan. Sa kanilang pagsasama palagi sa School napag kamalan tuloy sila na mag Jowa sa kanilang mga guro at mg aka klasi.pero hindi nag tagal nagtapat rin si Seth kay Messy na matagal na niya itong gusto mula nong dito pa si Messy nag aral ng Jonior High School. At sinagot naman ito ni Messy dahil crush na crush niya ito dati pa. kaya na totoo na yong  mga sinasabi  sa kanila. Masaya na silang dalawa dahil hindi nila inaasahan na mag katuluyan sila.mula nuon ay nagging masaya na sila sa isat isa. At kinalimutan rin nila kung ano yong mga hindi nila napagunawaan.sakasalukuyan ay nalaman ng magulang ni Messy na may nobyo pala siya ito sa paaralan niya ay pinapagalitan siya.gusto sanang makipaghiwalay ni Messy kay Seth pero hindi pumayag si Seth.kaya hindi na lang nag papaapektado si Messy sa magulang niya ay binabaliwala niya ito. Kasi nong una niyang nobyo ay naghiwalay sila dahil sa kaniyang desisyon ng magulang niya wala siyang nagawa kaya sinunod niya niya ito. Pero ito na ang huli niyang desisyon na hindi siya nag papapigil ng kaniyang magulang dahil ayaw niya ito na mawala pa sa kaniya si Seth. Kaya nuon ay piangpatuloy na lang nilang dalawa ang kanilang pagmamahalan. At natanggap na rin ng magulang ni Messy si Seth na silang dalawa.mula nuon ay masaya na silang dalawa an nag mamahalan. Alam nilang sa dami ng kanilang pinag daanan sa buhay maraming hadlang at pag subok pero hindi sila sumuko sa kanilang pag mamahalan.hanggang masaya na silang ang mamahalan.

The Beginnings of Drex Marlon Vedra Piloton

Back in the days, my father used to tell me that he was the first who carried when I was born. He told me that he was very happy I was born healthy and alive. Years past and my younger brother came into our lives. We experienced hardships those times when my parents had a hard time supporting us three. YES THREE, my mother has a daughter before she met my father. I remember, I was very happy that time, we had less problems and those happy moments that we sheared and cherished until now. it was almost perfect. My mother has a blood of a Chinese since her grandfather is a Chinese and my father has the blood of a Spaniard because the parents of my grandmother are Spaniards. Both of my parents were intelligent in a different way. My mother is business minded while my father is not. As years go by, my parents were always fighting and I don't know why. Then their fight got worst. It reached to the point where father hurt my mother physically. Our business got big too, from small transactions to multi million transaction. Our financial status rose, since then my parents were always busy and didn't have time for us

Until one day, my mother diagnosed with cancer in a month after she died. I was still 6 years old that time. After that our business was slowly falling apart until it was gone. Our life was like hell that time and I tried to maintain positiveness until one day I can't stand the pain anymore. I left the house and my brother wants to come with me but I told my brother that it would be best if you will stay. He agreed and I left. after that I went to Davao to work and I moved again to Initao.

My life for me is like a forest. I never know what will happen but even if I don't I will still move forward to reach my dreams in life.

AURORA ANG UNANG ASWANG

AURORA ANG UNANG ASWANG

May isang bayan na tinatawag na San Rafael. Masaya at walang problema mga tao. Pagsasaka at pagaalaga ng mga hayop ang kanilang hanapbuhay, pero kontento na sila sa kanilang pamumuhay. Isang araw, may mag asawa na nakatira sa isang sulok ng bayan na ang hiniling nila sa panginoon na magkaroon ng isang supling na bata. Sa sobrang tagal na nilang magkasama kahit saan na sila magpunta at kahit sinu sinong manggagamot na sila pumunta para lang magkaanak. Malapit na  mawalan ng pagasa ang babae, pero yung lalaki hindi siya tumigil. Isang umaga unang gumising ang babae ang pangalna niya ay si Aurora, bigla siyang nahilo at nagsusuka. Ginisang niya ang kanyang asawa at agad silang pumunta sa bayan ang nagpa check – up sa doctor dun nila nalaman na isang buwan na pala siyang buntis. Sa sobra saya ng mag asawa, nagpapakain sa lahat ng mga kapitbahay nila. At nangangako sila na lahat ng santos sa simbahan ay dadasalan nila araw- araw.

Lumipas ang ilang buwan, si Aurora ay araw- araw nga nagdasal sa lahat ng santos sa simbahan. Lumipas pa ang ilang buwan at isang buwan nalang ay manganganak na siya. Kinakausap niya ang kanyang anak na sana malusog siyang lumabas sa kanyang sinapupunan at yung asawa naman ni Aurora ay patuloy pa rin sa pangangaso dahil yan rin ang kanyang gawain araw – araw pagkatapos niyang mag bulak. Isang araw pag uwi ni Aurora sa kanyang bahay ay biglang sumakit ang kanyang tiyan dahil sa sobrang pagod napaaga siyang manganak. Dahil sa sobrang layo ng clinic ng bayan. Sa bahay na siya nagkaanak at dali – daling kumuha ng kumadrona ang kanyang asawa pero hindi pa dumating sa bahay ang asawa kasama ang kumadrona. Nanganak na si Aurora pero sa kasamaang palad ay namatay ang anak niya at dun nag umpisa si Aurora na mabaliw. Dahil sa hindi niya matanggap na patay na ang kanyang anak, lahat din ng bata pinapatay niya at kinakain dahil sa ayaw niya na marinig na may batang umiiyak. Dahil sa kanyang ginagawa, nagtago siya sa kagubatan. Iniwan niya ang kanyang asawa at lahat ng mga tao sa bayan hinahanap siya. Sa sobrang mahal ng kanyang asawa si Aurora hinahanap niya ito sa kagubatan. Nang makita ng asawa niya si Aurora, hindi siya nakilala nito dahil sa ang isip ni Aurora ay kalaban siya pero kinausap parin niya si Aurora at lahat ng mga nangyari sa kanya unti – unting naalala ni Aurora at siya ay humingi ng tawad sa asawa niya at sabi ng asawa ay hinding hindi na niya iwanan at pakawalan si Aurora. At don na sila nanirahan sa kagubatan at bumuo ng pamilya ulit ng walang takot ang walang panghuhusga ng tao.

Mula kaibigan hanggang sa magKA-IBIGAN

Bakit mahal ko siya? Yan lagi ang nasa isip niya. Hindi naman siya maganda, maingay, matigas ang ulo, halos lahat ng ayaw ko nasa kanya na. Pero bakit unti- unti akong nahulog sa kanya. Ano ba talaga ang meron sa kanya? At paulit- ulit itong bumabalik sa isip niya.
Siya nga pala si Ethan Smith. Isang lalaking tahimik, mahilig sa musika, habulin sa mga chicks pero siya ang ayaw nito at hilig mapag isa. Medyo may kaya din ang pamilya ni Ethan. Ang kanyang ama ay isang electrical contractor at ang kanyang ina ay isang businesswoman. Mayroon silang electric company at medyo malaki ito. Mula nung bata pa ay palagi nalang mag- isa si Ethan. Ang palagi niyang ginagawa ay paggamit ng kanyang gitara hanggang sa nakilala niya si Gale. Si Gale ay isang anak ng OFW, palakaibigan, maganda, maputi, hilig magpatawa kahit corny, at medyo mahina ang utak. Naging classmates sila ni Ethan sa UP at palagi nagpapatulong si Gale kay Ethan dahil sa top student ito. Kahit naiirita si Ethan kay Gale, hindi naman niya ito matanggihan dahil kahit ilang beses itong ipagtabuyan ay hindi natitinag at mas lalo pa siyang kinukulit. Araw – araw parang naging ganon na ang eksena at nasasanay na si Ethan kay Gale hanggang sa naging kaibigan sila. Napapansin na rin ni Ethan sa kanyang sarili na nasisiyahan na rin siya dahil kay Gale. Nagdaan pa ang ilang buwan nilang pagsasama ay parang may narararamdaman na si Ethan at di kalaunan ay nahulog na na ito ng tuluyan sa kanya.
February na at malapit na ang Valentine’s Day, kaya nagpasya si Ethan na sa araw na iyon ay magtatapat na siya kay Gale. Nag ayos si Ethan at nag rehearse sa kanyang sasabihin. Sa araw na yon ay naka polo na long sleeve, naka black na maong at dala ang kanyang gitara. Ang puti pa ng kanyang mukha. Sa araw ng Valentines ay may events na nagaganap sa UP. Maraming tao kaya siksikan talaga. Di na nagatubili si Ethan at pumunta sa classroom na may bitbit na bouquet na may letter. Excited na nanginginig na parang gusto niyang mag back-out pero ang kanyang paa ay may sarili itong pag – iisip at patuloy itong lumalakad sa classroom. Habang unti-unti itong binuksan ang pinto ay nabigla siya sa nakita niya. Si Gale inaabutan ng bouquet ng kanyang classmate at nakangiti pa ito sa kanya. Hindi maipaliwanag ni Ethan ang kanyang nadarama. Parang nadurog ang kanyang puso at sinaksak ito ng paulit-ulit. Sa sobrang sama ng loob ay tinapon niya ang bouquet sa bintana at pumasok ito sa classroom. Nginitian pa ito ni Gale si Ethan at pabirong sinabi na “San ka nangharana ha?” hindi umimik si Ethan na siyang ikinabigla ni Gale. Mula nun ay palagi siyang tahimik hanggang sa matapos ang klase. Dumaan ang ilang araw at ganun pa rin agn kinikilos ni Ethan kaya nagpasya si Gale na imbitahin si Ethan sa bahay nila para mag group study. Pumayag naman si Ethan at pumunta sila sa bahay ng kanilang classmate. Nag usap sila at nag confess sa isa’t isa.
Kinabukasan ay masayang magkasama sina Ethan at Gale. Naging sila at hanggang ngayon ay patuloy pa ang kanilang pagiibigan.
Minsan sa buhay ng tao ay may maraming sorpresa. May mga hindi mo akalain na darating at sa tao pa na ayaw mo. Pero ganyan naman talaga ang buhay kaya go with the flow nalang tayo.